Hello! Ang pahina na ito ay para sa mga mag-asawa o nagpaplanong magpakasal sa ibang lahi.
Halina kayong ipamahagi ang inyong mga karanasan, kahirapan, anekdota, merito, o galak ng pamamahagi ng buhay sa taong nanggaling sa ibang kultura.
Ang pahina na ito ay nilikha nila
MamiatFederico
Sa tulong ninyo ay nais naming gawing maganda at makabuluhan ang Internasyunal na website na ito. Kung mayroon kayong magagandang ideya na gustong gawin ay mangyari lang po na ipaalam sa amin. Ang tulong ninyo ay kailangan sa mga sumusunod na punto:
Nais po naming marinig at maipamahagi sa pahina naming ito ang kuwento ng ibat'ibang magsing-irog. Magkaibang-lahi na magsing-irog ay kadalasang may iba't ibang nakawiwiling istorya (baka sakaling makagawa kami ng libro....), kaya kung sa palagay ninyo ay makabuluhan ang inyong kuwento, puwede kaya ninyong ipamahagi sa amin?
Ang pahina na ito ay nagsisilbing komunikasyon para sa mga magsing-irog na magkaiba ng lahi sa buong mundo. Para sa layuning ito, kailangan na magkaroon ng maayos na listahan ng contact. Kung gusto ninyo ay idadagdag namin ang inyong listahan sa pahina na ito (tingnan sa ibaba). Para maisaayos ang komunikasyon ay kailangan ang tirahan, telepono, numero ng fax, email address, webpage URLs at kung anu-ano pa.
Kung mayroon kayong kakilalang mga magsing-irog na magkaibang-lahi, mangyari lamang po na ipaalam sa kanila ang pahina na ito.
Kung mayroon kayong alam na kagaya nitong aming webpage, mangyari lamang po na ipaalam sa amin. Idadagdag namin sila sa listahan naming ito.
Ang Byurokratikong Pahina ng Internasyunal na Magsing-irog: na siguradong naranasan ng lahat ay maraming byurokratikong kahirapan ang nararanasan kung gustong magpakasal sa ibang lahi. Sa kasawiang palad, maging ang Konsulado at iba't ibang kagawaran o institusyon ay hindi nakakatulong ng sapat sa bagay na ito. Minsan naman ay nagbibigay sila ng maling impormasyon para lamang hindi sila maabala. Ang isyu ay mananatili lalo pa't mayroon na kayong mga supling. Mas mainam ng mangalap ng ideya, karanasan at payo sa iba't ibang magsing-irog na magkaibang-lahi bago kayo magpakasal.
Gusto naming isulat sa iba't ibang lengguwahe ang pahina na ito. Kung nais ninyong tumulong, kontakin lamang po kami.
Kung gusto ninyong maidagdag sa listahan, sulatan at punuin lamang po ang sumusunod na form! Kailangan po namin ang inyong pangalan, nasyunalidad, at email address. Lahat ng ibang impormasyon ay naaayon na sa inyong kagustuhan.
Hindi po kami tumatanggap ng padala ng mga binata at dalaga na naghahanap ng mapapangasawa. Hindi po ito Serbisyong Pangtagpuan o Dating Service!!!
Padalhan nyo kami ng inyong litrato!
Bakit ang mga mukha lang namin ang nasa pahina na ito? Padalhan ninyo kami ngayon ng inyong litrato bilang 'attached file', at ipapaskil namin ang inyong entry sa Listahan ng Internasyunal na Magsing-irog!!
Baguhin o isaayos ang inyong padala!
Kung nagbago kayo ng email address, at kung sakaling gusto pa ninyong mamahagi sa pahinang ito, kung mayroong kayong gustong baguhin sa inyong naisulat, mag-email lang po sa amin. Banggitin lamang po ang eksaktong pahina kung saan kayo nakalista. Kami na po ang bahala sa lahat.
Maghanap sa Website ng Internasyunal na Magsing-irog
Nawawala ba kayo? Ang Website ng Internasyunal na Magsing-irog ay lumago ng lumago sa puntong mahirap ng mahanap kung saan kayo nakalista!
Walang problema: Narito at mayroon na kayong "search engine" na tutulong sa inyo.
Ang Listahan ng Lugar ng mga Internasyunal na Magsing-irog
Pag-usapan natin ang ating mga sarili!
Kung hindi ka pa nabibilang sa listahan ng lugar o 'mailing list' ay magtungo kaagad dito at sumama sa talakayan!
Submit by e-mail!
Kung ayaw ninyo ng forms o kung ang browser ninyo ay ayaw suportahan ang forms, ay maari kayong sumulat sa amin.
Ang pahina na ito ay nakalahad sa mga sumusunod na lengguwahe: